13-anyos Na Tumayo Bilang Magulang Ng Mga Ulilang Kapatid, Inulan Ng Tulong




Isa sa mga nakakaantig na istorya na tinampok sa programang Mission Possible ni Julius Babao ay ang istorya ng buhay ng isang 13-anyos na tumayo bilang nanay at tatay ng kanyang mga kapatid. Imbis na sarili at pag-aaral ang atupagin ay namulat sa responsibilidad si Manuel Olivares sa murang edad.

Naulila Sa Magulang

Mula sa Trece Martires, Cavite at pang-apat sa pitong magkakapatid, si Manuel ang tumayo bilang mga magulang ng kanyang iba pang maliit na kapatid. Isang taon na ang nakalipas nang pumanaw ang kanilang nanay at iniwan naman sila ng kanilang amain. Bagaman may mga nakatatandang kapatid sina Manuel ay naging limitado ang suporta sa kanila ng mga kapatid dahil may sariling pamilya na ang mga ito.

Pangangalakal

Nabubuhay si Manuel at ang tatlo pang maliliit na kapatid sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga mangga at pangangalakal. At sa mga araw naman na hindi ito pinapayagang makahingi ng mangga ay nangangalakal na lamang ito.

Mahirap Na Buhay

Kwento pa ni Manuel ay minsan ay toyo na lamang ang kanilang inuulam upang maibsan ang kalam ng tyan. Sya din ang naghahatid sundo sa mga kapatid sa eskwelahan. Bagaman sa maghapon ay pagod sa pagaasikaso sa mga kapatid at paghahanap ng kanilang mapangtutustos sa pangangailangan, nananatiling positibo sa buhay si Manuel na darating ang panahon ay matutupad nito ang kanyang pangarap na maging guro.

Inulan Ng Pagtulong

Nakarating ang kwentong buhay ng mga naulilang bata sa pamamagitan ng kapitbahay nila Manuel na miyembro ng isang motor riders team. Inulan ng tulong sina Manuel mula sa grupo. Ang CEO ng Imus Terminal Mall ay nagbigay din ng mga pangunahing pangangailangan ng mga bata at pangkabuhayan showcase na maaaring maging source ng kanilang kita.

Nagbigay din ng assistance ang CSWD sa magkakapatid na kung saan ay magiging prayoridad ang mga ito sa pagbibigay ng tulong at livelihood assistance. Kabilang na din dito ang ate nila Manuel na si Evita na syang tumitingin tingin sa mga bata.
\


Source: Facebook

Post a Comment

0 Comments