MUST WATCH | Guard ng Bureau of Customs, May mahigit P1.9 milyon sa kanyang iba't ibang bank accounts 'Huli ka balbon!'



Ang isang security guard ng Customs sa Port of Manila ay nasuspinde at kasalukuyang ini-imbestigahan dahil sa pagkakaroon ng P1.9 milyon sa kanyang iba't-ibang mga bank accounts.

Ayon sa isang eksklusibong ulat ng 24 Oras noong Miyerkules, si Renly Tiñana ay mayroon lamang isang plantilla position sa Bureau of Customs (BOC) mula noong 2002: Security Guard 2.

Sa port, si Tiñana ay itinalaga bilang spot checker upang inspekyonin ang mga shipments. Dagdag pa nito, ang kanyang buwanang sweldo ay P14,000 lamang.

Gayunpaman, natuklasan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) na si Tiñana ay may halos P2 milyon sa iba't ibang mga account sa bangko.

"Given 'yung salary grade niya, if at all, it warrants na kami ay tingnan namin kung ito ba ay naakma sa kakayahan niya o sa kakayahan ng pamilya niya na magkaroon ng ganito kalaking deposits," ayon kay Customs Assistant Commissioner Jet Maronilla.

Tinignan ng CIIS ang apat na bank accounts na sinasabing pagmamay-ari ni Tiñana, na naglalaman ng mga pondo na nagkakahalaga ng P1.9 milyon. Tumawag ng pansin sa mga imbestigador ang malalaking pondo na pumasok at lumabas sa mga account, kabilang na ang P2.5 milyon na idineposito at pagkatapos ay na-withdraw din sa parehong araw.

"Ang naging red flag lang din kasi sa investigation ng CIIS, sa pagkakaalam namin sa report na ginawa nila, eh yung period kasi ng April at saka May, medyo substantial yung transactions ng pag deposito," dagdag pa ni Maronilla.

Hiniling ng BOC ang tulong ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang tingnan ang mga transaksyon sa bangko, at gustong ipa lifestyle check si Tiñana ng Department of Finance (DOF), kung saan bahagi ang BOC.

Watch the video:


Post a Comment

0 Comments