Dipensa ng Janitress, Nireklamo ng 2 babae yung Transgender kaya pinalipat sa male CR



Nagsalita na ang janitress na si Chayra Ganal na nag-viral matapos hindi papasukin ang transgender na si Gretchen Diez sa pambabaeng CR.

Ayon kay Chayra Ganal, ang janitress sa Farmers Plaza na nagbawal kay Diez, dati umano ay pinapayagan niya ang mga transgender na gamitin ang female CR sa loob ng mall.

Ngunit noong araw na gumamit si Gretchen Diez ay may nagreklamo umanong dalawang babae na nakapila dahilan para kausapin niya ang transgender at palipatin ito sa panlalaking CR gayong maluwag ito.

“Quarter to 1 po may dalawang babae lumapit sa akin na nag-complain na may nakapilang LGBT sa CR ng mga babae…Nakita ko po si Ma’am Gretchen, in-approach ko po siya ng maayos, sabi ko po sa kanya,‘Ma’am dito na po tayo sa CR ng lalaki,” ayon kay Ganal sa panayam sa Pressone,ph.

`Yung PWD hindi ko na po sa kanya na-offer `yun dahil dami din pong nakapila. `Yung sa CR kasi po ng lalaki nakita ko du’n walang pila, walang tao,” aniya pa.

Dito na umano nagana pang pag-video sa kanya ni Diez, sinubukang patigilin ito ngunit hindi natinag ang transgender woman.

“Imbis na po siya mag-CR du’n, kinuha niya po `yung cellphone niya, tinapat niya po sa mukha ko, sabi ko, ‘Ma’am bakit n’yo po ako kinukunan ng picture,baka mamaya po ipapatay mo na lang ako niyan,’ kasi nauuso naman talaga `yung ganon,” ayon kay Ganal.

Pinapabura umano ni Ganal ang video kay Diez ngunit pumalag ito, nakasiko pa umano ng isang buntis at dito na dinala sa ground floor ang transgender para maimbestigahan.

Depensa pa ni Ganal, na-stress lamang umano siya kaya nasagot si Diez na ‘mayroon pa rin itong ut!n’.


Post a Comment

0 Comments