Isang Filipino engineer ang nagpakita ng “Pinoy Pride” nang maipanalo ang top prize sa Royal Institute of Chartered Surveyors’ (RICS) Cities for our future competition.
Si Earl Patrick Forlales, isang 23 taong gulang na engineer galing Manila ang nakauwi ng premyong £50,000 o mahigit P3.3 milyon para sa kanyang ginawang disenyo sa mababang halaga para sa housing unit na pwedeng itayo ng 4 na oras lamang.
Ang “CUBO” housing units na ginawa ni Forlales ay gawa lamang sa bamboo na kung saan ay ginawa lamang ng hindi tatagal ng isang linggo at maaaring tapusin lamang ng iilang oras. Ang mga unit ay mabilis naman pinagtipun-tipon at napakamura para sa square meter nito na aabot lamang sa halagang P3,000.
“It’s a functional home on its own, but it’s more than just a house. It’s designed to turn community waste into energy and other valuable resources,” – sinabi ni Forlales sa BBC World Services.
Ipinaliwanag ni Forlales kaya nya pinili ang bamboo bilang kanyang pangunahing materyales kasi “as it releases 35% more oxygen than trees and can be harvested annually without causing soil degradation” – sabi nya. Ang mga bamboo na nagamit sa kanyang disenyo ay nailamina para mapanatili ang kalidad sampung beses na tatagal kumpara sa pang karaniwan.
Ipinaliwanag din naman naman ng batang engineer na ang kanyang disenyo ay makakasagot sa mga tanong na problema para sa tumataas na informal settles sa Manila.
“With the Government’s Build Build Build program there will be more construction workers coming into the city… We want our workers who are producing our high-rise multi-storey level buildings to have dignified housing of their own.” – dagdag ni Forlales dito.
Sa natanggap na pera ni Forlales, plano naman niyang magtayo ng kanyang prototype model na ipipresinta sa mga investors, at pinagpaplanuhan niyang gumawa ng halos 10,000 units sa darating na 2023. Congratulations!
0 Comments