Good news | Pilipinas Nakatakdang Bumili sa Russia ng kauna-unahang Submarine ng Bansa




Kamakailan lamang ay naiulat na magkakaroon na ang bansa ng kauna-unahan nitong submarine sa ilalim ng administration ng Pangulong Duterte. Ang Kilo-Class Diesel-Electric Submarine ay binili pa ng bansa sa Russia.
Kinumpirma naman ang posibleng pagkuha ng submarine ng bansa ng Department of National Defense Secretary na si Delfin Lorenzana at sinabi nito na kung wala man o hindi pa sapat ang pondo na mayroon ang Pilipinas para mabili ang kauna-unahang submarine, handa naman ang Russia na magpahiram sa bansa ng soft loans o pagpapautang ng walang interest o di kaya ay sa mas mababang interest.
Tinatayang mayroong sukat na 73,8 metro ang submarine at malaki at malawak na espasyo para mapaglagyan ng nasa 2,350 toneladang mga gamit. Ito din ay may bilis ng nasa 17 hanggang 20 knots.
Sinabi naman ni Secretary Lorenza sa kaniyang panayam na,
“Kung wala tayong pera pahihiramin tayo ng Russia, soft loans. (If we don’t have the money, Russia will lend us soft loans.)”
Maliban naman sa bansang Russia, kasalukuyan pa ring tumitingin at naghahanap ang Pilipinas ng iba pang posibleng mga submarine suppliers sa bansang Europe, kasama na rito ang France.
Dagdag naman ni Lorenzo na ang pagkuha ng submarine ng bansa, pati na rin ang mga posibleng suppliers na kanilang kukuhanin, ay malalaman pa lamang ng ilang buwan pa dahil ito ay kasalukuyan pa ring pinag-uusapan magpahanggang ngayon at wala pang desisyon ang nabubuo.
Sa magkaiba namang panayam, sinabi naman ni DND Spokesman Arsenio Andolong na dadalhin sa Horizon Two of the Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program (RAFPMP) ang kauna-unahang submarine na makukuha ng bansa.
Sa mga ganitong arm4s at sasakyan naman, isa ang Russia sa bansang pinagkakatiwalaan dahil ilan na rin sa mga Russian-made submarine ang mayroon ang ilang bansa katula na lamang ng China na mayroon ng nasa 12, India na mayroong 10, 6 naman sa Vietnam, 3 sa Iran, at ang Algeria ay mayroon ng 2.
Source: top.abo3anta
Panoorin ang video:


Post a Comment

0 Comments