Muli na namang nag-ikot si Mayor Isko Moreno ngayong araw, at binisita niya ang monumento ni Andres Bonifacio na iilang metro lamang ang layo sa kanyang opisina. Nagulat ang mayor sa dumi ng park at sa dami ng mga dumi ng tao na nagkalat dito.
Binдboy Ang Mga Rebulto
Hindi napigilan ng alkalde ng Maynila na si Isko Moreno ang mainis ng kanyang bisitahin ang Bonifacio Monument na iilang metro lamang ang layo sa kanyang sariling opisina. Ito ay isang park na ngayon ay tinitirhan na ng mga informal settlers dahilan upang mabab0y ang lugar at mga paligid nito.
Ang isang rebulto ng bayaning si Emilio Jacinto ay may masangsang na amoy at mapanghi ayon kay mayor Isko. Bukod dito, may mga “vandalism” ang mismong rebulto, patunay sa kawalan ng respeto ng mamamayan sa mga bayani at pampublikong lugar.
Puno Ng Dum1 Ng Tao
Ang pinakamasaklap pa dito ay ng ikutan mismo ni mayor ang malaking rebulto ni Bonifacio at ng Rebolusyonaryong Katipunero. Ito ay puno ng Tдe ng tao at halos hindi maapakan sa dami. Halata sa anyo ng mayor ang labis na pagkainis dahil sa pambabab0y na ginawa sa park na dapat sana’y pasyalan ng mga tao.
Hindi maikakaila na ang mga taong dumudumi rito ay yaong mga taong nakatira sa paligid ng park. Kung kaya’t nabanggit ni mayor na kailangan paalisin ang mga barong barong na itinayo ng mga informal settlers sa paligid ng park.
Pagbabagong Anyo
Inutusan din ni mayor Isko Moreno ang kanyang mga opisyales na ayusin ang naturang park, linisin muna ang lahat ng dumi rito, tanggalin ang mga informal settlers sa paligid at muling pagandahin ang Bonifacio Monument.
Sinabihan din ni Mayor ang kapulisan na hulihin ang mga taong makikitang umistambay sa monumento at kasuhan ng bagansya, dahil na rin sa pagwawalang respeto ng mga ito sa pampublikong park tulad nito.
Source: Facebook
0 Comments