Patuloy ang ginagawang pagsasa-ayos ng Maynila sa tulong ni Mayor Isko Moreno. Bukod sa paglilinis ng mga kalye at pagtanggal sa mga obstruksyon ay mahigpit na pinapatupad rin ang mga ordinansa ng lungsod. Isang Tsino ang ngayon ay nanganganib na madeport matapos mahuling umiihi sa isang kalye sa Tondo at manlaban pa sa mga tanod na sumikta rito.
Undesirable Alien
Isa sa mga alituntunin dapat sundin ng sinumang dayuhan dito sa ating bansa ay ang respetuhin ang mga batas at sumunod sa mga ito. Ang pagbibigay ng visa sa isang dayuhan ay isang pribilehiyo lamang at maaari itong bawiin kailan man gustuhin ng otoridad.
Isang Tsino ngayon ang nahaharap sa kaso matapos siyang mahuling umiihi sa isang kalye ng Tondo. Lalo pang bumigat ang kanyang kaso ng kanyang saktan ang barangay tanod ng Brgy. 28 ng siya ay sitahin sa ginawa niyang kababuyan sa kalye.
Nagalit Si Mayor
Sa isang press conference na ibinahagi sa Facebook, sinabi ng butihing mayor ng Maynila na ang pag-ihi sa kalye ay ipinagbabawal sa kanyang lungsod. Lalo na ang pananakit ng mga otoridad ng gobyerno tulad ng mga tanod at kapulisan.
Sinabi ni mayor na sila ay susulat sa Bureau of Immigration upang hilingin na ipa deport at tuluyan ng i-ban sa pagpasok sa bansa ang Intsik na umihi at pagkatapos ay matapang pang nanakit ng isang barangay tanod. Hindi umano ito karapat dapat na manatili pa sa bansa dahil sa ikinilos nito.
You Are Not Welcome
Sinabi ni mayor na ang mga batas para sa mga ordinaryong mamamayan ng Maynila ay siya ring batas para sa mga dayuhan. Kung hindi nila kayang respetuhin ang mga patakaran at batas ng lungsod ay hindi sila karapat dapat sa Maynila.
“If you hit our enforcer, if you attempt to hurt our policemen because you are a superpower, you believe that malaking bansa kayo, you are not welcome to the City of Manila,” ang matapang na pahayag ng bagong mayor.
Source: Facebook
0 Comments