Tuluyan nang dinis-armahan ang viral pulis na si Police Senior Master Sergeant Arnulfo Ardales kasunod ng isyu ng diumano pananakot sa isang kapwa kostumer ng karinderya.
Viral Pulis
Matatandaang naging viral ang video ng isang pulis na kinilalang si Arnulfo Ardales matapos itong maispatan na tinatakot ang kasabayang kostumer sa isang karinderya sa San Juan. Nangyari ang insidente bandang alas-onse ng gabi noong Sabado.
Nagalit at nagwala umano ang pulis nang mapansin na inuna ng tindera na asikasuhin ang order ng binatang nakaalitan nito. Aniya ay nag-angas umano ang biktima na kinilalang si Aaron Estrada, 21 taong gulang, isang call center agent.
Dinisarmahan Na
Mariringgan sa video ang mga pagbabanta ng pulis sa binata at ang attempt nito na bitbitin sa pulisya ang lalaki. Mabuti na lamang ay napigilan ang nagwawalang pulis sa tulong ng mga tambay sa karinderya. Ayon sa pulis, hindi ito nirespeto ng binata na syang naging ugat ng nangyaring insidente.
Sa isang interview ng News 5 kay Ardales, dinisarmahan na umano ito nang magreport ito sa istasyon sa San Juan. Nanghingi ito ng kapatawaran sa nagawa nito sa nakaalitan na binata.
Tanggal Sa Pwesto
Kahapon ay ibinalita ni PNP Director General Oscar Albayalde na pinarelieve na nito ang nasabing pulis dahil sa ipinakitang masamang gawi sa harap ng mga tao. Mabilis na nakarating kay Albayalde ang viral na video sa tulong na din ng mga netizens. Kaya naman, nabigyan agad ng karampatang aksyon ang nangyaring insidente. Kasalukuyang iniimbestigahan ang kaso ni Ardales. Mananatili ito sa District Headquarters Service Unit habang tumatakbo ang kaso nito.
Inusig Ng Netizens
Inusig ng netizen ang nasabing viral pulis dahil sa naging pag-uugali nito at pagsabog ng galit laban sa tindera at sa biktimang si Aaron. Anila ay dapat matuto ang pulis na magkontrol ng kanyang emosyon. Dinepensahan naman ng ibang netizen ang pulis na nagsabing tila nagyabang umano ang binata. Ganunpaman, hindi ito sapat na dahilan upang magpakita ang pulis ng masamang pag-uugali.
Source: News5
0 Comments