Image courtesy of Pinoythinking |
Ngayong araw ay na-relieve na ang viral na nagwalang pulis sa isang karinderya sa San Juan City kagabi. Nakarating sa kaalaman ni PNP Director General Oscar Albayalde ang video at agaran itong binigyan ng karampatang aksyon.
Tanggal Na Sa Puwesto
Natanggal na sa puwesto ang nagwalang pulis na kinilalang si Police Senior Master Sergeant Arnulfo Ardales. Nangyari ang insidente kagabi bandang alas-onse ng kagabi sa isang karinderya bandang Aurora Boulevard sa kanto ng R. Lagmay St. Brgy. Ermitaño, San Juan City.
Viral Video
Ang binata na naka-alitan ni Ardales ay kinilalang si Aaron Estrada, 21-taong gulang at isang call center agent. Lingid sa kaalaman ng nagwawalang pulis ay nakukuhaan sya ng video ni Estrada.
Sa ngayon ay nasa District Headquarters Service Unit ng EPD si PSMS Ardales at iniimbestigahan ang kasong kinasasangkutan. Matatandaang nag-viral ang video ng pulis na naghuhuramentado dahil umano sa ulam. Nang mapansin umano ng pulis na tila inuuna ng matandang tindera na ibalot ang order ng binata ay nagalit na umano ito at nagsimulang magwala.
Pagbabanta At Pananakot
Dagdag pa rito, sinasabi ng pulis ay inaangasan umano sya ng binata at hindi nirerespeto bilang pulis. Napalala pa nito ang sitwasyon nang pilitin ng pulis na dalhin sa kustodiya ng pulis ang binata at pagbabantaan ito. Mabuti na lamang ay napigilan ng mga tao ang pulis sa pagpipilit na dalhin ang binata sa pulisya. Hiningi nito ang ID ng lalaki at nang sabihin nito ang pangalan nito ay nagsalita pa ito ng,
“Wala akong pakialam kung Estrada ka!”
Nahaharap Sa Kaso
Nakakuha ng maraming suporta ang binata mula sa netizens kaya naman mabilis na nakarating ang balita kay PNP Director Albayalde. Bagaman may mga nagtanggol din sa pulis, anila ay anupaman ang dahilan sa likod ng pag-aaway sa gitna ng dalawa ay hindi pa din dapat nagpakita ng masamang pag-uugali ang pulis sa harap ng sibilyan.
Nahaharap pa din sa kaso si Ardales dahil sa ginawa nito. Anuman, dapat ay marunong umano ito magkontrol ng kanyang emosyon bilang isang pulis.
Source: PNP Chief Albayalde/FB
0 Comments