Kabi-kabila ang mga papuring tinatanggap ng bagong halal na alkalde ng Maynila ukol sa kanyang ginawang cleanup operations sa masisikip na bahagi ng Maynila tulad ng Divisoria, Carriedo, at Blumentritt. Sa kabila nito, binatikos ng anak ni Erap Estrada na si Jerika Ejercito ang pamamaraan na ginawa ni Moreno sa pagpapaalis sa mga vendors sa lugar.
Bagong Anyo
Hindi maikakaila na napakalinis na nga ng Divisoria, Carriedo, at Blumentritt. Ito ay mga lugar na dati rati’y hindi mahulugan karayom sa sikip. Marami ang natuwa sa ginawang cllearing and sidewalk operations ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng bagong halal na alkalde na si Isko Moreno.
Sa kabila ng pangako ni Mayor Isko na bibigyan ng relocation ang mga vendors na nawalan ng pwesto, marami sa kanila ay mawawalan ng pagkakakitaan at hindi pabor sa ginawang clean-up drive na ginawa ng mayor.
Banat Ni Jerika Estrada
Sa isang post na kanyang ibinahagi sa Facebook, binatikos ni Jerica Estrada, anak ni dating Manila mayor Joseph Estrada ang pamamaraan ni Moreno ng pagtatanggal ng mga vendors sa lugar. Sinabi nitong parang mas mahalaga pa para sa bagong mayor ang pagandahin ang Maynila maski ang kapalit nito ay ang mga hanapbuhay ng maliliit nating kababayan.
Tinanong ni Jerika kung nakasama ba ang karamihan ng mga vendors sa pag-uusap na ginawa bago ang clearing operations? O ang iilang mga tinderong pinakita sa Facebook live ni mayor Isko Moreno na nakikipag-usap sa kanila?
Paano Ang Kabuhayan?
Samantalang dapat talagang baguhin ang korapsyon at pangongotong ng mga barangay officials sa lugar, ang agarang pagpapatanggal ng mga vendors na walang ibang pagkukuhanan ng pagkakakitaan ay hindi makatao, dagdag ni Jerika.
“Cleanliness is next to Godliness, as they say, but when constituents are displaced and stomachs are churning for a kilo of rice or piece of bread, when stalls that somehow provide basic necessities for decades are dismantled in a day—who plays God in a world of uncertainty and desolation?” paliwanag ng anak ni Erap.
Source: PEP.ph
0 Comments