Isa sa mga proyekto ng bagong halal na mayor ng Maynila na si Isko Moreno ang paglilinis ng kalat at pagbibigay solusyon sa trapiko sa lungsod. Simula nang maupo sa pwesto si Moreno ay naging aktibo na ito sa trabaho.
Ginibang Fire Volunteer Quarters
Kung nitong mga nakaraang araw ay napaginhawa nito ang magulong kalye ng Divisoria at Blumentritt, ngayon naman ay nanguna ito sa paggiba ng quarter ng mga fire volunteers na nakaharang sa gitna ng mga kalye ng Quintin Paredes at Ongpin sa Binondo, Maynila. Anila ay nakakasikip umano ang mga ito sa daan na nagdudulot ng magulo, trapik, at di organisadong lugar.
Kinabibiliban Ng Netizens
Patuloy naman sa pagkabilib ang mga netizen sa pagiging aktibo ni Moreno sa lubos na effort nito na maisaayos ang Maynila at ang layunin nito na ibalik ang dating ganda ng Kamaynilaan. Ngayon nga na tinutupad ni Moreno ang mga binitiwang pangako para sa Maynila ay tila nakalulugod para sa mga residente ng lungsod ang mga programa nito.
Marami ang nabuhayan at na-inspire, hindi lamang mga Manilenyo bagkus pati na rin ang mga nasa iba’t ibang karatig na lungsod.
Maynila Tungo Sa Maunlad Na Kinabukasan
Sa unang araw ni Moreno bilang alkalde ay agad nitong nilinis ang Divisoria at Blumentritt. Bagaman marami ang nagalit na mga sidewalk vendors dahil sa pagpapaalis sa kanila ay nangako so Moreno na hahanapan sila ng maayos at permanenteng lugar na pagtitindahan. Kahapon lamang ay pinuntahan naman nito ang Manila Zoo upang tignan ang lagay ng mga hayop doon at kung paano nito matutulungan ang organisasyon na maisaayos ang pamunuan nito partikular na ang pagsisiguro na ang mga hayop doon ay naaalagaang mabuti.
Malinis Na Hangarin
Si Isko ang nakatalo sa matagal nang pamamahala ng dating pangulong Erap sa Maynila bilang alkalde. Noong ito ay nangangampanya ay naglahad ito ng maraming plataporma ukol sa pagpapaunlad ng Maynila dala na din pati ang mga residente nito. Hiling ng mga netizens ay magtuloy tuloy ang malinis at aktibo na pamamahala nito. Nakikinita ng marami na posibleng maging susunod na presidente ito ng bansa dahil sa taglay nitong pagmamahal sa mga kapwa-Pilipino.
Source: Abante Tonite
0 Comments