Mayor Isko To Manila Traffic Enforcers: “Maging Magalang, Habaan Ang Pasensya At Dedication”



Simula nang naluklok si Mayor Isko Moreno sa pagiging Mayor ng Maynila, halos araw araw na itong nakikita sa social media at sa balita na gumagalaw at talagang binabantayan ang mga pagbabago na ginagawa.
Inaabangan na ng tao kung saan nagroronda ang mayor upang gawin ang kanyang trabaho sa buong kaMaynilaan.

Traffic sa Maynila

Ngayon umaga, isang video ang inilabas kung saan kausap ni Isko ang mga traffic enforcers ng Maynila. Ayon sakanya, ang traffic daw ay wala nang pag-asa at talagang wala nang magagawa dyan.
Subalit, hindi man masolusyunan at matanggal ang traffic, kaya naman daw itong bawasan. Halimbawa daw na dalawang oras ang biyahe ng tao dahil sa traffic, kaya daw itong gawing isa o isa’t kalahating oras lamang sa tamang pamamalakad.

Ang hiling

Binanggit din ni Mayor ang dating mahirap na kondisyon sa trabaho ng mga enforcers. Dati daw ay may quota silang hinahabol kaya naman madalas ay aburido na sila at maiinit ang ulo. Madalas pa nito, dahil sa gulo ng kalsada at init ng ulo, lalo pang humahaba ang traffic at lalong nagtatagal ang mga biyahe ng mga tao.
Ngayon ay hiniling ni Isko na sana daw ay maging magalang, mahaba pasensya, at may dedication, ang mga enforcers. Wala nang quota, basta dagdagan ang pasensya.

Sweldo

Isa sa naging problema noon ay ang hindi pagpapasweldo ng 3 o apat o minsan ay higit pa na buwan sa mga enforcers. Ngayon raw ay babaguhin ito ni Isko. Hindi na daw ito mauulit, kahit pa raw mabankrupt ang Maynila, papaswelduhin niya ang mga tao.
Kalat naman na daw na bankrupt ang Maynila, subalit ayaw na niya manisi. Mas magandang ayusin nalang ang pamamalakad at simulan ang pagbabago sa papamagitan ng paggawa ng tama.
Dagdag pa nito, napakasarap daw maglingkod sa bayan. Maswerte daw ang mga officers na nagkaroon sila ng pagkakataon na maglingkod sa bayan. Kulang nalang daw ang sweldo, na kanya namang ibibigay.
Panoorin ang video dito:

Post a Comment

0 Comments