Nakilala bilang artista, noon pa man ay sikat na si Francisco Domagoso o mas nakilala bilang Isko Moreno. Nagsimulang magtrabaho sa murang edad, mula sa pagiging basurero ay nadiskubre ito na mag-artista. Simula nang pumasok sa showbiz ay nagtuloy na ang kasikatan nito magpahanggang ngayon.
Simpleng Pamilya
Ngayon na tila isang rock star politician ang turing at tingin ng masa kay Manila Mayor Isko Moreno, marami ang napapatanong kung may oras pa ba ito sa kanyang pamilya dahil nang maupo ito sa pagka-alkalde ay tuloy tuloy ang pagtatrabaho nito. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na abala ito sa puspusang paglilinis ng Maynila simula sa basura, illegal vendors, at pati na ng korapsyon sa lungsod.
Sunday Is Family Day
Isang malaking pamilya ang kinabibilangan ni Mayor Isko.
Ang asawa nito na si Diana Lynn Ditan ang syang tutok sa kanilang limang anak na sina Vincent Patrick, Frances Diane, Franco, Joaquin Andre, at Drake. Sa isang panayam, ibinahagi ni Mayor Isko,
“Sunday is my family day. Saka lang ako umaabsent sa pamilya ko kapag may mga delubyo. My wife and I would watch a movie, or eat out, depende kung swak ang schedules namin.”
Tutok Sa Mga Anak
Nang matanong ukol sa kanyang asawa na si Diana, dahil tila hindi ito katulad ng tipikal na asawa ng mga pulitiko na madalas ay kasama sa mga event,
“Talagang hindi sya nakikisali, in fairness to her, talagang naka-focus siya sa pamilya. She has her own small business and that’s what also keeps her busy.”
Mga Supling
Ang anak naman na babae ni Isko na si Frances Diane ay maraming uploaded photos ng kanyang pamilya sa kanyang Facebook account.
Ang isa pa nilang anak na si Joaquin ay minsan nang ipinakilala ni Isko sa isang guesting nito sa programang Tonight With Boy Abunda. Pangarap umano nito na maging isang artista katulad ng kanyang ama at tila may potensyal ito at kagwapuhang taglay para makapasok sa showbiz industry.
Serbisyo Publiko
Sa pulitika naman ay mas naging tanyag at maningning ang bituin ni Mayor Isko dahil sa kaliwa’t kanan at tila walang kapagurang pagtatrabaho at pagseserbisyo nito sa Maynila. Ito ang nagbunsod para mas suportahan pa ito ng masa sa kanyang mga mabubuting adhikain sa lungsod.
Source: Kami
0 Comments