Narito na ang part 4 kung saan isang Mister na OFW ( Overseas Filipino Workers ) ang lumapit sa Wanted sa Radyo nila sir raffy Tulfo para humingi ng tulong at magreklamo.
Nais nito makausap ang misis na sumama sa ibat at nanganak na din.
Emergency lang ang pag uwi ni Mister dahil sa ginagawa ng Misis at nais nito makulong dahil sa ginagawa nito.
Nang mag kausap ang mag asawa mangiyak-ngiyak ang misis nito.
Dito sa part 4 sinamahan ng team raffy tulfo in action si sir Rudyard sa barangay kung saan mag uusap sila ng kanyang misis.
Nag face to face ang mag asawa sa Barangay at tinanong ni Capt. Francisco Laguna ( Barangay Barangubong Villasis, Pangasinan) at tinanong nga ni kap kung ano ang problema.
“Kap yung problema ko ung pangangabit niya at may anak pa sila” sagot ni Rudyard
“Napag usapan ninyo na ba yan?” tanong ulit ni kap.
“Nag usap kami pero baliwala, Walang nakitang sindiridad na pagbabago niya”. tugon ni Rudyard.
“So anu ang plano mo ngayon?” Muling tanong ni kap.
“Plano ku kasuhan silang dalawa ng kabit niya” sagot ni Rudyard
“Para sa akin po dahil mahirap po ang ganyan kung siguro pweding pag usapan nyu muna, Kasi pwedi naman siguro mag bago alang-alang sa mga anak ninyo”
Dito nag salita na si Misis.
“Bakit ayaw mo makipag ayos pag on-cam, bakit pag tayong dalawa lang ok naman tayo, yun ang question ko sayo” Misis kay Rudyard
“Syempre tinitignan ko pa” ani ni Rudyard
“So ano ung mga ina-ano natin pag magkasama tayong dalawa? wala lang yon? ano yun pag gusto mo lang akong gamitin ganun lang yun”. Muling tanong ni misis kay Rudyard
“Hindi naman sa ganun inoobserbahan lang din naman kita” sagot ni rudyard.
Dito muling nagsalita na ulit si kap at nais nito pag usapan na muna alang alang sa mga anak nila.
Video Below :
0 Comments